UNEXPECTED LOVE (PART 5)
- Lorreine Llupar
- Feb 17, 2024
- 3 min read
Updated: Nov 24, 2024
“Ma ilang kilo ba ng spaghetti lulutuin natin?” tanong ko kay mama
Andito kami ngayon sa public market bumibili ng kulang para sa noche buena namin sa 25. Dec 23 palang at atat na si mama bumili ng mga kulang.
Actually, bumili naman na kami sa manila andami na nga nun e. Pero para kay mama kulang padin daw yun. Dadating din daw kasi mga kumari nya at baka di kasya yung mga binili namin sa manila, kaya eto andito kami ngayon sa public market para dagdagan yung handa pang noche buena DAW e parang pang fiesta na nga to e andami.
“ma tama na to andami na kaya neto” reklamo ka sa kanya
“Anong madami e kulang pa nga yan” aniya tsaka sya pumunta doon sa mga helera ng mga wine haysss mama.
“Sa tingin mo magugustohan kaya nila tita carol mo to?” tanong nya sabay turo doon sa hawak nyang wine
“Oo naman ma, kaw bumili e” sabi ko ket wala akong kaalam alam sa alak hehe
“ohh tara na okay na siguro to”
Yess makakauwi na rin
-----------------------------------------------------------------------------------
Mejo matagal kasi dahil nga public market to ay walang mga cart dito kaya, kanya kanyang buhat ang mangyayari. Putek nong tinignan ko isa isa ang mga pinamili namin parang gumuho mundo ko, sampong malalaking plastic? Shit pano namin dadalhin to? Sabay hawak ko sa noo ko, mukang mas malala pa sa break up muka ko putek huhu.
“Ma Papasuhol nalang tayo andami nyan oh, kaya ba natin yan?” sabi ko
At yun nga nagpasuhol si mama sa dalawang malalaking katawan para mag buhat ng aming pinamili papunta sa sasakyan.
--------
” Eli punta ulit tayong dagat” yaya ni candy
“mamaya na, pagod pa ako e tulog mona ako” diko na sya inantay pang sumagot at umakyat nalang ako sa kwarto ko at natulog
— ------
“oyy bata, okay kalang ba?” tanong ng batang lalaki sakin tsaka ko naman sya tiningala bago sagutin
” kinuha nila lollipop ko */sniff sniff; tapos tinulak nila ako tas may dugo na huhu” sumbong ko dito sa batang lalaki sa harapan ko sabay turo sa tuhod kong may sugat, at tinuro yung mga batang umaway sakin.
“loko yun ah inaway ka nila?” tanong nya sabay tingin doon sa sugat ko sa tuhod
“lika doon tayo, bibilhan kitang lollipop” aniya sabay turo doon sa maliit na tindahan
“ayoko” sabay busangot ko
“bat naman ayaw mo?”
“E masakit na nga sugat ko tapos lollipop pa bibilhin mo sakin gagaling ba ako nyan? Ha?” derederetsong sabi ko tsaka naman sya tumawa
“kung ayaw mo ikikiss ko nalang”at bigla naman syang lumuhod at akmang hahalikan ang tuhod ko pero bigla ko naman itong iniwas kaya nagtaka sya
“alam mo ba, kapag nagkakasugat ako kinikiss lang ni mama ang sugat ko tapos nawawala na ang sakit”aniya nya
-------
“chichay balik ka ah” sabi ni bunny sabay punas sa luha nya
“oo naman” sabi ko sabay ngiti ko at binigyan naman nya ako ng dalawang pack ng lollipop
“chichay, pag dika bumalik hahanapin kita” aniya tsaka ako yinakap
— ----
“hoy eli gising na jan kakain na tayo!”
“eli napakatagal naman” sabi ni candy sabay yugyog sakin
napaungol naman ako ng maliit dahil sa antok pa ako. Tumingin ako sa labas at gabi na pala kaya bumangon na ako at kinusot kusot mona yung mata ko bago bumaba. Nakakaramdam na din ako ng gutom kaya di na ako nag matigas pa at kumain na.
Habang kumakain di maalis sa isip ko yung panaginip ko, yung babae na pumunta ba dito yun ba yung mama ni bunny?.
Si bunny yung childhood besfriend ko dito sa province namin, ‘di ko alam buo nyang pangalan kaya di ko sya mahanap sa facebook. Ganun din sya sakin tanging palayaw ko lang alam nya sakin.
Actually Marvin talaga name nya e, ginawa ko lang bunny kasi Antaba nya nun. Nakakamiss yung mokong nayun, hays.
—
[Typo and Grammar ahead]
コメント