top of page

UNEXPECTED LOVE (Part 9)

Putek kasi anu ba! Angkulit mo ah!

Girlfriend nya nga yun.

Andito ako ngayon sa kwarto. Parang tangang nakikipagtalo sa konsensya ko

Ayaw kasing maniwalang girlfriend ni kean yun e,

E malay mo bang hindi nya girlfriend yun, palibhasa kasi napaka advance nyang utak mo e.

Tamo pati konsensya ko kontra sakin

Teka, bat ba ganto pinag iisip ko?.

Wala naman akong pake kung girlfriend nya yun e, ano bang pake ko.

Kahit jowain nya pa lahat ng babae dito sa baryo wala akong pake.

–kinabukasan

“oyy gising na jan eli” sabi ni candy sabay yugyog sakin

“Ano ba kasi yun? natutulog pa nga ako e” may ungol kong sabi

“May bisita ka, bangon na jan”

“five minutes, five minutes” sabay taas ng kamay ko

“Pano ba yan kean, mukang ayaw gumising e.”

Bigla naman akong naalimpungatan sa sinabi ni candy, shit andito ba sya? Ano ginagawa nya dito?

Putek pinalilibutan ako ng mga ibon AcccKkkkk, pffttt. Charrot.

Bigla naman akong napabangon, biglang nawala yung antok ko sa sinabi ni candy.

At yun nga, andon sya nakatayo sa pintuan nakatingin sakin. Ako naman ‘tong panay kusot sa mga mata ko nagbabakasakaling panaginip lang lahat ng ‘to. Pero hindi, totoo ‘to putek.

Okay, kalma lang. Inhale, exhale.

“A-anong g-ginagawa mo d-dito?”

Putek na bunganga ‘to bat utal-utal yun?.hays.

“Wala lang, masama bang dumalaw?” aniya sabay kibit balikat nya.

“Hindi naman, pero baka makita tayo n-ni-“

“ni?” putol nya sa sinabi ko

“wala, wala, bumaba kana don at maliligo na ako” tsaka naman ako tumayo at hinatid sya sa labas ng kwarto ko, at biglang sinarado ang pinto ko

Arghhhh, bat ba andito yun.

Dali dali naman akong pumasok sa banyo, at ginawa lahat ng seremonyas ko doon.

Binilisan ko na yung kilos ko, hindi na ako nag pili pa ng susuotin ko. Kung anu nalang yung unang makita ko sa kabinet yun na yun.

Tsaka lumabas, at sakto namang pagbukas ko ng pinto ko yun naman ang biglang labas ng muka ni kean.

Tangina naman mahahampas ko na ‘tong lintik na to e, mahilig manggulat.

At yung mokong tawang tawa, kumakamatis nanaman yung muka at ayon nanaman ang mga mata nyang naglaho na kakatawa.

Nang napansin nyang hindi ako tumatawa at inis na inis na yung muka ko sa kanya. Unti-unti namang naglaho ang mga ngiti nya at napalitan ng pagkaseryuso na may halong takot.

“Oyy eli, sorry na”aniya sabay pigil sa tawa nya

“Halika na nga, nanggigil ako sayo baka kung ano pang magawa ko sayo dito”tsaka ko sya nilampasan

:Fast forward natin nakakainggit na e

Kung saan saan na kami napapadpad at andito kami ngayon sa plaza kumakain ng fries.

“Ang sarap talaga pag libre noh” sabi ko sabay kindat sa kanya HAHAHAHA nangamatis nanaman yong mokong

Putek parang bakla tuloy HAHAHAHA

pero angcute nya pa din.

“Puro ka nalang lamon” tsaka naman nya nilabas yung gitara nya

Luh may dala pala syang gitara kanina? Bakit hindi ko man lang napansin yun.

Ilang tipa pa ang ginawa nya bago nya sinimulang kumanta.

Grabe angganda ng boses nya, sa tagal ko ng kasama ‘to ngayon ko lang narinig na kumanta ‘to.

Kalmadong-kalmado yung boses nya nakakapanghina.

Noong pumikit sya don ko sya mas tinitigan pa, pinag-aralan ko pa yung muka nya putek nakaka–

Bigla naman akong natigilan dahil sa pag bukas ng mata nya, at nag tama ang mga mata naming pareho.

Nailang ako kaya umiwas ako.

You’re the air that i breathe

Girl you’re all that i need

And i want to thank you, lady

You’re the words that i read

You’re the light that i see

And your love is all that i need~~

Pagkatapos nyang bigkasin yun, bigla naman nyang hinawakan ang pisnge ko at unti-unting nilapit sa kanya..

At wala na chugchugchug matulog kana ala ka namang jowa HAHAHAHAHAHAHAHAjoklang

[Typo and Grammar ahead]

Recent Posts

See All

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page