Akala ko Ako na
- Lorreine Llupar
- Jan 9
- 4 min read
Updated: Jan 13
I'm Samantha, and I have a friend named Kyle. Actually, we're best friends for almost 4 years na? Basta, ganun.
I’ve had a crush on him since college, pero hindi niya alam yun. Ayoko ma-reject, noh!
Pareho kaming call center agent ngayon, pero nasa ibang department siya naka-assign.
Si Kyle ang kasama ko sa lahat ng kabaliwan ko. In short, same vibes kami, kaya siguro kami nagtagal. Parehas kaming “abnormal” pagdating sa kalokohan. Masaya siyang kasama, napaka-supportive pa. Pag kailangan mo siya, andyan agad siya para damayan ka. Kaya hindi malabong mahulog ka sa kanya.
"Oy, Samantha, kumain ka na?" bungad niya pagkadating niya.
11:30 na kasi at lunch break na namin, pero mas nauuna siyang lumabas sa department niya kaysa sa akin.
"Hindi pa nga eh, may tinatapos pa kasi ako," sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.
"Mamaya na 'yan, halika na. Nagugutom na ako," aniya, sabay himas sa tiyan niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at kinaladkad palabas. Wala na akong nagawa, kaya hinayaan ko na lang siya.
"Ohh, may alimango!" excited niyang sabi habang pinagdikit pa ang mga palad niya at pinagkikiskis ito.
Paborito niya ang alimango, pero hindi siya puwedeng kumain nun ngayon kasi baka mangamoy siya sa opisina.
"Oy, 'wag na 'yan. Mangangamoy ka niyan," sabi ko, sabay lingon niya sa akin.
"Sayang naman," malungkot niyang sabi.
"Mamaya na tayo kakain niyan pag-out na natin," sagot ko. Bigla naman niyang nilaparan ang ngiti niya na parang wala nang bukas.
-----------------------------------------------------------------------------------
Habang kumakain, bigla siyang nagtanong sa akin.
"Sammy, may nanliligaw na ba sa'yo?" utal-utal niyang tanong, at natigilan naman ako.
Tumawa muna ako bago sumagot.
"Ano ba naman 'yang tanong mo, Kyle? Palagi tayong magkasama, kaya alam mo namang wala."
"Eh bakit wala? Maganda ka naman, matalino, halos complete package na nga!" sabi niya sabay tawa.
"E... ano kasi eh... basta, hahaha," iwas kong sagot.
"Ano 'yun? Tuloy mo na."
"Wala, wala. Kumain ka na, mamaya papasok na tayo."
"Anong wala? Dali na, Sammy, tayo-tayo lang naman ang nakakaalam."
Tss, bahala na nga. Hays.
"Ang totoo kasi, Kyle, hindi ko alam, hindi ko sigurado."
Nakunot naman ang noo niya. "Ha? Anong hindi sigurado?"
"I've been thinking about my feelings since last week kasi parang ang weird ko nitong mga nakaraang araw. Mukha na akong weirdo—"
"Hey, lemme finish first. Stop laughing, you idiot."
"Hahaha, okay, sorry. Proceed. Eh sino ba kasi 'yan? Dami mo pang commercial. Just spill it, bitch!"
"Excited amp. 'Wag ka kasing tumawa muna. Paano mo maiintindihan 'yan kung hindi mo ako pinapatapos?"
Tumango lang siya, hudyat na magpatuloy na ako.
"So, 'yun nga. Naiirita ako tuwing lumalandi siya sa ibang boys."
"Teka nga, sino ba kasi 'yang tinutukoy mo? Tomboy ka ba? Pft."
"Bobo ka ba? Paano mo maiintindihan kung putak ka nang putak?"
"Okay, proceed," aniya sabay cross ng mga binti niya.
"Sige na nga, sasabihin ko na, putak ka kasi nang putak."
"Oh sige, ano ba 'yun?" atat niyang tanong.
"Gusto kita, Kyle."
Bigla naman siyang nabulunan sa sinabi ko.
"Ano ba naman 'yan, Sammy? Nagbibiro ka ba?" may pa-tawang sabi niya.
"Hindi ah. Totoo kasi, Kyle. Matagal na kitang gusto."
-----------------------------------------------------------------------------------
Bigla ulit siyang nabulunan kaya agad-agad akong kumuha ng tubig at iniabot sa kanya.
"Oh, come on, Sammy. Stop fooling around. Alam mo naman na bakla ako, 'di ba? Kaya paano ka nagkagusto sa akin?" nagtatakang tanong niya.
Yes, bakla si Kyle. Pero tulad nga ng sinabi ko kanina, nasa kanya na halos lahat—complete package, pati na personality niya. Kaya hindi malabong magustuhan mo siya.
"Actually, I really don’t know, Kyle. Basta ang alam ko lang, pag gising ko, mahal na kita."
-----------------------------------------------------------------------------------
Pagkatapos kong magtapat kay Kyle, medyo nagbago ang dynamics namin. Andoon na 'yung ilangan, tapos pumasok na rin ang selos kahit wala namang basehan. Sobrang sensitive na namin sa mga bagay-bagay, lalo na ako. Naiirita ako kapag may kalandian siyang iba—parang gusto ko akong laging priority niya.
Isang gabi, birthday ng kaibigan namin. Sa bar ginanap ang party, kaya syempre, nagpaganda ako. HAHAHA.
Napaka-daring ng suot ko, pero sabi ni Bea, bagay naman daw sa akin ang dress. Kaya kahit medyo nakakahiya, wala na akong nagawa. Gabi naman kasi.
Pagkalipas ng ilang minuto, medyo tipsy na ako nang may biglang humawak sa braso ko. Nagulat ako nang makita ko kung sino iyon.
It was Kyle. Nakakatakot ang mukha niya—galit na galit habang pinagmamasdan niya ang suot ko at ang hawak kong baso na may alak.
"Sh*t, ang hot talaga ng baby ko," biro ko sabay ngiti.
"What the hell do you think you're doing, Samantha? Ba't ganyan ang suot mo? Nakulangan ka ba sa tela?" medyo mataas ang boses niya nang sabihin ito.
Napatingin na lang ako sa suot ko. Amp, ang iksi nga! Bat ngayon ko lang narealize? Argh!
Bigla niyang hinubad ang coat niya at inilagay sa balikat ko. Mamatay na ata ako sa kilig!
"Halika na, iuuwi na kita."
"E hindi pa naman tapos!"
"Tss, halika na. Lasing ka na."
-----------------------------------------------------------------------------------
Habang nagda-drive siya, katahimikan ang nangingibabaw sa aming dalawa. Kaya siya na ang nagsalita. Hindi ko inaasahan ang sasabihin niya.
"Sam..."
"Hmm?"
"I have something to tell you."
Napatingin muna ako sa kanya bago sumagot. "Go ahead, what is it?"
"Sammy... G-gusto k-kita—"
Napatigil siya dahil sa biglang paghinto ng sasakyan namin. Tumingin siya sa akin at itinuloy ang sinasabi niya.
"Sammy, I love you."
"I love you too, Kyle," sagot ko agad.
Bigla siyang napahilamos at tumingin ulit sa akin. "Pero, hindi tayo puwede, Sammy."
Bigla namang bumagsak ang mga balikat ko.
"E bakit ba? Parehas lang naman tayo ng nararamdaman, ah!" maluha-luha kong sabi.
"Sammy..." panimula niya sabay hawak sa kamay ko. "I’m gay, don’t you understand that?"
Hinila ko ang kamay ko mula sa kanya at umupo ng maayos.
"I don’t f*cking care if you are gay, lesbian, or whatever, Kyle. Dahil tanggap kita kung ano ka man!"
"Sammy, hindi mo kasi naiintindihan..."
"Ano ba ang hindi ko naiintindihan, Kyle?"
"Sammy... May boyfriend na ako, at mahal ko rin siya."
Natigilan ako sa sinabi niya. Mahal niya ako, tapos mahal niya rin ang boyfriend niya? Haha, hanep! All-in HAHAHA.
Akala ko kasi, ako na. Akala lang pala.
-----------------------------------------------------------------------------------
Meron talaga sa buhay natin na kahit gustuhin man natin, hindi talaga puwedeng maging atin. Learn to accept the fact that you are just a path in his or her life. Parang daan ka lang—namahinga siya sa’yo saglit.
Char.
End.
Comments