SILENT LOVE
- Lorreine Llupar
- Jan 5
- 3 min read
" Yoongi tubig oh!"-masaya kong sabi.
Nanalo kasi yung boyfriend ko sa laro nila.
" Wag na magbibihis lang muna ako!"-sagot niya.
" Wow namaos na nga ako sa kakasigaw kanina tas wag na! Edi hindi ako yung iinom nito.."-pabulong kong sabi.
" Yanna!!"-sigaw ni Jimin sabay akbay sakin.
" Bestie congrats!"-sabi ko sabay yakap sa kanya.
" Tubig gusto mo?"-tanong ko.
Si Jimin na lang yung iinom.
" Akin na!"-sabi ni Yoongi sabay kuha ng water bottle sa kamay ko.
Nagseselos ba siya? Napangiti lang ako.
" Yanna bakit namaos ka na?"-tanong ni Jimin.
" Yanna samahan mo ko!"-sabi ni Yoongi at sabay hatak sakin.
" Uyy Jimin bawi ako sayo sa susunod!"-sabi ko.
Binitawan niya ang kamay ko at..
" Dito ka lang!"-sabi niya.
" Sinama mo ako tas sasabihin mo na dito lang ako!"-okay aaminin ko akala ko mag wo-work out ang relationship namin.
" Magbibihis lang ako okay! Hintayin mo ko!"-sabi niya.
" Okay!"-sagot ko.
___________
" Hay salamat tapos ka na ang tagal mo!"-sabi ko.
But he just ignore me. Ang bilis niyang maglakad. Hinabol ko siya at sabay hawak ng kamay niya. And I don't expect he also hold my hand. (holding hands bbys)
" Yoongi ang sweet mo ngayon, kasi kanina kinuha mo yung tubig na ibibigay ko sana kay Jimin. Tas nung tinanong ako ni Jimin bakit ako namaos bigla mo akong hinatak tapos ngayon you also hold my hand back!"-kinikilig ako.
" Ewan ko!"-sagot niya sabay lagay ng kamay niya sa bulsa ng pants na suot niya.
" Ihahatid mo ba ako?"-tanong ko.
" Pahatid na lang kita kay Kuya Bon!"-sagot niya.
Tumigil ako sabay.. " Wag na lang sasama na lang ako kay Jimin!"-sabi ko.
Pero patuloy pa rin siya sa paglalakad.
" Bye!"-sabi ko sabay talikod. Akala ko babalikan niya ako pero walang Yoongi ang pumigil sakin.
" Hay bakit kaya sinagot kita?"-tanong ko kahit wala namang sasagot.
Gabi na rin at siguradong wala na si Jimin kaya uuwi ako ng mag-isa.
" Miss Yanna pinapahatid po kayo ni Sir Yoongi!"-sabi ni Kiya Bon. Ang tigas rin pala ng ulo nun.
" Sige po!"-sagot ko.
" Miss Yanna okay lang po ba kayo ni Sir Yoongi?"-tanong niya sakin.
" Oo naman po!"-sagot ko.
" Bakit niyo naman po na itanong?"-tanong ko kay Kuya Bon.
" Wala naman!"-sagot nito.
" Andito na po tayo!"-sabi niya.
" Thank you Kuya Bon!"-saad ko.
Bakit nga ba di ako kayang ihatid ni Yoongi?
_______
" Yoongi!"-tawag ko.
" Hoyy di mo ba ako kakausapin?"-pangungulit ko.
" Hoy Yoongi tawag ka ng girlfriend mo oh!"-saad ni Jin.
" Ano ba ang kulit mo!"-tumayo siya at umalis. Ano kaya yung problema nun?
" Uyy wag kang sisimangot dyan sundan mo!"-sabi ni Jin.
Tumango lang ako sabay tayo.
" Yoongi!"-tawag ko.
" Min Yoongi magusap tayo!"-saad ko.
Hinarap niya ako sabay hatak sakin papunta sa building ng school kung saan walang katao-tao. Mga sirang upuan at hindi na maingay.
" Yoongi kausapin moko!"-saad ko.
Pero nagulat ako ng bigla niyang suntukin ang pader sa likod ko.
" Hoy.. A-ano ba ang nangyayari sayo?"-tanong ko.
Aaminin ko natatakot ako ngayon especially galit siya.
" Alam mo bakit ako nagagalit?"-tanong niya and his hand also roam on my legs.
" Cause your wearing short skirt. Alam mo namang gumagala ang mga mata nila right?"-saad niya.
" Naiinis ako sayo!"-sabi ko.
Pinunit ko ang pang itaas kong damit sabay kuha ng kamay niya. Umiiyak narin ako. Pagkatapos kong lagyan ng tela ang dumudugo niyang kama-o.
" Galit din ako, kasi ako yung in relationship pero never pinahalagahan ng boyfriend niya. Yoongi never kang naging boyfriend sakin."-saad ko.
" Ayoko na!"-sabi ko.
Aalis na sana ako pero naramdaman ko yung yakap niya mula sa likod.
" No please im sorry. Galit lang ako kasi palaging si Jimin na lang yung kasama mo. And sorry hindi ako naging boyfriend sayo. Im sorry but please dont leave me!"-naramdaman kong bumabasa na rin ang balikat ko. Umiiyak ba siya?
Humarap ako at yun nga first time umiyak ang isang Min Yoongi. I cupped his cheeks and..
" Okay then hindi ako aalis but please promise me, wag ka ng magalit palagi. Wag palaging galit kasi nakakatanda!"-sabi ko.
I smile at him. But this time hindi ngiti ang binalik niya sakin kundi.. Isang matamis na halik mula sa lalaking di ko alam bakit naging boyfriend ko.
" I love you!"-napangiti ako ng husto dahil sa sinabi niya.
" First time.. I love you too!"-sagot ko sabay yakap sa kanya. Di kailangan ng matatamis na mga salita. In a relationship di lang matatamis na salita o gawa just let them know na mahal niyo ang isa't isa. After all this relationship is a Silent Love. Mahal ko siya at yan ang kakapitan ko. *wink
----------------
Comments