top of page

TIME

One shot story


TIME

Kim Seok-Jin

Dian Jo

'back'


" Jin!"-tawag ko.


" Dian!"-he run towards me and hug me really tight.


" Bumalik ka!"-sabi niya as he breaks the hug.


" Yes cause I love you!"-sabi ko.


" Pero hindi ito magtatagal."-sabi niya na ikinataka ko.


<flash back>


" Apo matulog kana!"-saway ni Lola sakin.


" Yes La sandali na lang to, hinihintay ko na lang na sagutin ni Bok Joo si Jeonghyun!"-sagot ko.


Pinabakasyon ako ni Mama dito sa Cebu.


" Nauuhaw ako!"-sabi ko sabay kuha ng cellphone at pinaandar ang flashlight nito.


Habang umiinom ng tubig lumabas muna ako. Safe naman eh. Umupo ako sa isang vintage style ng upuan sa labas. Pero nagulat ako ng may biglang may naglalakad.


" Oh my g may tao!"-sabi ko.


Okay ang creepy pero in the same time curios ang lola niyo kaya sinundan ko yung tao.


" Anong ginagawa mo?"-nagulat ako dahil sa boses nito.


" Uhm ano kasi kuya tinakot mo ako. And besides bakit ba andito ka sa labas ng bahay ng lola ko?"-tanong ko.


" Wala ka ng pake dun!"-sagot niya.


" Dian!"-tawag sakin ni Lola.


" Wait lang po!"-sagot ko pero pagtingin ko wala na yung kuya kanina.


Ay wow may powers siya.


" Ano ba ang ginagawa mo dyan sa labas?"-tanong ni Lola sakin.


" Nagpapahangin pero may nakita akong lalaki sa labas!"-sagot ko.


" Lalaki?"-alam kong curios din si Lola.


" Oo La, ano matangkad, maputi, tas malapad ang balikat at gwapo naman din siya. Ang creepy niya."-sabi ko.


" Alam mo apo wag kang matakot ha. Kwento ng mga matatanda. Na may lalaki raw na pumupunta dito para hanapin ang babaeng minahal niya ng tunay. Ano ba yung kwento nun? Basta ang sabi dun, isang hari si Seok-Jin at isang alipin naman si Ali. Sabi sabi pinatay daw si Ali kaya may nag sasabi din na pumupunta sa hinaharap si Seok-Jin nag babakasakali na makita si Ali. Naku baka matakot ka apo ha!"-sabi ni Lola.


" Sige la tulog na ako!"-sagot ko.


-----fast forward-----


" Ano ba ang ibig mong sabihin Jin?"-tanong ko. Pero di sagot ang nakuha ko. Isang halik na..


-----flash back-----


" Wag niyong sasaktan ang hari, ako na lang. Ako na lang ang patayin niyo!"-saad ko.


" Pero kahit isang gabi lang makasama ko siya!"-pagmamakaawa ko.


" Bilis!"-tumakbo ako papunta sa palasyo. " Seok-Jin!"-tawag ko.


" Mahal bumalik ka!"-saad niya.


Niyakap ko siya ng mahigpit.


" Mahal aalis ako!"-sabi ko.


" Saan ka naman pupunta?"-tanong niya.


Sinamahan ko siya sa kanyang kwarto.


" Mahal magpahinga kana. At baka makita pa ako ng mga tagabantay dito!"-saad ko.


Bago niya ipikit ang mga mata niya. Isang halik ang aking binigay.


" Ali wag mo akong lisanin ipaglalaban pa kita!"-saad niya.


" Pangako!"-saad ko.


Paumanhin aking hari hindi ko iyon matutupad. Aalis ako ng pang habang buhay. Sana ay makita mo ang bubuo ng buhay mo.


" Handa na ako!"-sabi ko.


" Wag niyo ng saktan ang hari!"-saad ko habang lumuluha.


" Ihanda ang pana!"-sigaw ng nanunungkulan.


" Mahal kita Seok-Jin aking hari at aking mahal!"-bulong ko. Napapikit ako sa sakit pagtingin ko ako ay dahan-dahang nililipad ng hangin.


-----present-----


" A-ako si Ali?"-tanong ko.


" Mahal?"-nag uunahan ng tumulo ang aking mga luha.


" Mahal!"-sabi ko.


-----flash back-----


" Kuya andito ka ulit!"-saad ko.


" Ali?"-tanong niya.


" Dian ang pangalan ko. Ali parang narinig ko na yan! Ah naalala ko na tinawag ako ng mga kapit bahay ni Lola na Ali kamukha ko raw siya..


Oh my g dont tell me ikaw si Seok-Jin!"-saad ko.


" Mahal?"-nagulat ako sa ginawa niya.


" Yah bitawan mo ako, di kita kilala!"-saad ko.


" Apo gabi na ah bakit andyan ka na naman?"-tanong ni Lola.


" La andito siy-- Seok-Jin!"-tawag ko.


" Apo wag mong seryosohin ang kwento ko kahapon! Pasok na!"-saad ni Lola.


-----present-----


" Ano ba ang sinasabi mo na di ka magtatagal?"-tanong ko.


" Mahal ako ay matagal ng wala. Para sakin ikaw ay nasa kasalukuyan. Ako ay iyong nakaraan na! Ako ay aalis at di na magtatagal!"-sabi niya.


" Mahal kita!"-saad niya sabay lapat ng mga malalambot niyang labi sakin.


" Seok-Jin wag mo akong iwan!"-ang kamay na aking hinahawakan ay dahan dahang lumulusaw.


" Mahal din kita!"-saad ko ng lumuluha.


------past-----


" Bakit niyo siya pinatay?"-sigaw ng hari.


" Seok-Jin!"-tawag sa kanya ng kanyang ina.


" Siya ang babaeng nag mahal sakin ng tunay! Kung eto lang naman pala ang mangyayari, patayin niyo rin ako!"-saad niya habang may mga luhang tumutulo sa kanya mga mata.


" Anak wag mong gawin ito!"-sabi ng kanyang lumuluhang ina.


" Ina ito ang babaeng minahal ko ng labis. Gumuho ang mundo ko ng nakita ko siyang nakahandusay dito. Akala ko di niya ako iiwan."-sabi niya.


Kinuha niya ang espada ng isa sa mga kawal.


" Ina ikaw ang nagluwal sa akin. Ako ay humihingi ng kapatawaran na ako ay lilisan din. Di ko kayang mabuhay kung wala si Ali. Ina gusto kong ikaw ang papatay sakin."-sabi niya sabay bigay ng espada sa kanyang lumuluhang ina.


" INA! GAWIN MO NA!"-sigaw niya.


Naramdaman niya ang sakit tulad ng naranasan ng kanyang mahal.


-----fast forward----- /3years aft./


" Good morning sir!"-saad ko.


Naka ngiti ako na hanggang tenga dahil makikilala ko na ang boss ko.


" Ali nice to see you again!"-napalaki ng husto ang mga mata ko.


" Seok-Jin!"-hindi ako makapaniwala ang aking mahal ay bumalik na.


" Bumalik ka!"-sabi ko.


" Yes cause I am the time!"-sagot niya. Yakap ang sumalubong sakin.


" Di ka na aalis diba?"-tanong ko.


" Di na ako aalis!"-sagot niya.


Hinalikan niya ang noo ko. Masaya ako kasi kasama ko na ulit ang aking mahal!

..............

Recent Posts

See All

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page