top of page

UNEXPECTED LOVE (Part 8 nagseselos kaba?pfft.)

Kinabukasan

Ringgg!!! Ringgggg!!!

Ano ba yan natutulog pa nga yung tao e.

Nag inat muna ako, bago kinuha ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa na katabi lang din ng kama ko.

At walang ano anong nilapit yun sa tenga ko “The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try your call later tot tot to–“

“Pinagsasabi mo? Si carl to” at bigla naman akong natigilan at tumingin sa cellphone ko

At unregistered yung number

“teka saan mo nalaman number ko? ” pigil tawang tanong ko

At bigla naman syang natawa sa kabilang linya ” hiningi ko kay tita Lisa,”aniya

“Ehh?”

“Puro ka ehh, labas ka jan may pupuntahan tayo

“Saan?”

“Dami mong tanong, maligo kana jan at nag iintay ako sa baba.”

Bigla naman akong natigilan at sinilip sya sa baba, at andon nga sya nakaupo sa sofa.

“gege” at hindi ko na inantay pa ang sagot nya at agad ko ng pinatay ang tawag.

Bigla naman akong pumasok sa banyo at ginawa lahat seremonyas ko doon.

Pagkalabas ko sa banyo..

Nagsuot lang ako ng white T-shirt tsaka short, lagay konting liptint, tsaka wala ng suklay-suklay deretso tali kaagad.

Bat ba ganun ako katamad e.

Tsaka hindi naman sya mukang losyang tignan parang messy hair lang

Pagkatapos ko mag pa cute sa salamin.

Lumabas na kaagad ako baka naiinip na yun e.

At no’ng nakita ko yung muka nya parang ayaw ko ng lumapit

Ayon nanaman kasi yung mga mata nyang parang tigre, umaamoy nanaman.

“oh halika na antagal mo” saka naman sya tumayo at inakbayan ako.Bago kami umalis tumingin mona sya sa kusina at yun naman ang pag labas ni mama ” Tita Lisa, alis na po kami”

“oh sige sige, wag kayong mag pagabi ha”

“Yes tita mommy” bigla naman akong napatingala sa kanya dahil sa sinabi nya.

Tita mommy? Nuyon anak din sya ni mama

Author:

” sige na, alis na kayo baka magabihan pa kayo e”

Bigla naman akong nabuhayan dahil sa pag pisil ni carl sa balikat ko

“ah s-sige ma, a-alis napo kami”

Utal-utal na sabi ko

Putek ano ba nangyayari sakin.

“Natatandaan mo ba yung lugar na to?, chichay?” tsaka naman sya tumingin sakin

Andito kami ngayon sa park, kung saan dito kami unang nagkita.

Inalala ko mona ang lahat at napatingin sa kanya at napangiti. “Oo naman, hinding-hindi ko makakalimutan yun” tsaka naman ako umiwas ng tingin sa kanya “Naalala ko pa nun, imbis na band aid lollipop pa binili mo”

Tsaka naman kaming natawang pareho

“E syempre, sabi mo pa nga (kinuha nila lollipop ko tapos may dugo na)” Panggagaya nya sa sinabi ko nun

Kaya natawa nalang din ako.

Pinuntahan lahat namin ang mga lugar kung saan kami napapadpad noong mga bata kami.

Tsaka doon ko lang narealize na napaka lakwatchera ko pala noon, kaya natawa nalang din ako pag naaalala ko yung nakaraan naming pareho.

“oyy teka lang angdaya naman e, taympers mona” sabi ko sabay tawa habang tumatakbo

Bumabalik nanaman kasi kami sa pag kabata e.

Bigla naman akong natigilan sa aking nakita, bigla akong nakaramdam ng sakit na hindi alam kung bakit.

Bakit ngaba?

Girlfriend nya ba yun? Siguro nga, may pa alalay pa nga e, tss.

“Ang sweet ni kean noh” biglang sulpot ni carl

Kakagulat naman to

Imbis na sagutin sya iniba ko nalang yung usapan. “carl, uwi na tayo gumagabi na e”

“okay kalang?”

” Oo naman” tsaka tumawa ng peke

[Typo and Grammar ahead]

Recent Posts

See All

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page