top of page

UNEXPECTED LOVE (PART 7)

Tapos na kaming kumain ng biglang magyaya si candy na pumuntang dagat kasi daw maraming stars don,masarap daw mag star gazing,ayaw kopa sana kaso nagpupumilit sya.

“oy ang ganda eli oh!”sabi ni candy saka kumukuha na sya ng picture. Habang ako ito parang lutang hindi parin mag sink in sakin na mama ni kean si tita carol.

At doon ko din nalaman na si carl pala yung bunny ko nun. char.

Magkapatid sila ni kean pre lam mo yun.

Grabe anglaki ng pinagbago nun dati parang balyena sa laki yun e, ngayon may sparkling 6 pack abs na.

Hindi ko na namalayan na malayo na pala si candy sakin kakakuha nya ng picture kaya umupo nalang ako sa buhangin. Bigla akong may natanaw na lalaking papapunta sakin kaya naalerto ako baka manyakis to.

“oy eli, pumunta pala kayo dito”sigaw ni kean para naman akong nabunuton ng tinik sa lalamunan akala ko manyakis na.

“si candy kasi nagyaya sakin”sabay nguso ko sa kinaroroonan ni candy.

“Iniiwan ka nya baka mapano ka”tugon nya.

“sus!ako paba takot lang nila sakin pag may ginawa sila “sabay kaming tumawa.

“Ayan ka nanamn sa kahanginan mo ELI TUAZON!” Aniya tsaka sabay naming tawa ulit.

Nang biglang sumulpot si candy.

“oy eli nag text si mama, san daw ba tayo bakit daw bigla tayong nawala”sabi ni candy, at bigla naman syang napatingin kay kean “oy andito karin pala kean”

At bigla naman syang tumingin sakin na para bang inaalam kung anong nangyari noong wala sya.

“Wala kaming ginawa” depensa ko sa makahulogang tingin nya

Bigla naman syang natawa sa reaction ko “chill lil’sis, masyado kang defensive

At bago ako matulog inalala ko mona ulit yung mga masasayang nangyari sa hapagkainan.

Flashback

“Alam mo ba eli, kapag mag gogrocery ako laging nagpapabili ng ilang pack ng lollipop yang si carl, paborito mo daw kasi yun” Kwento ni tita carol

Sabay tingin kay carl at yun naman ang biglang pamumula ng pisnge nya. kaya natawa nalang din ako.

Angkyut nya haha

“Tapos kahit saan ka mag punta lagi mo’ng kasama si carl nun baka daw kasi aawayin kana naman” Dagdag ni tita carol at natawa naman kaming lahat maliban kay carl na umaapoy na ang pisnge, pfft.

“Syempre Ma, super hero ako nun ni eli e.” sabi ni carl sabay kindat sakin

Ang saya na gabi ko nun dahil sa tinatagal tagal naming naghiwalay ni bunny, ngayon nagkita na ulit kami. Lumipat kasi kaming manila noon para doon mag aral. Nalaman ko ding hindi na pala sila dito Nakatira sa province. Kaya pala pag nagbabaksyon kami dito hindi ko na sya nakikita.

Sa totoo lang nawawalan na ako ng pag asa noon na magkita pa ulit kami

Sobrang tagal na noong nagkahiwalay kami.

At yun nga natulog ako ng may ngiti sa labi.

[Typo and Grammar ahead]

Recent Posts

See All

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page