Unexpected love Part 4 (Sino kaya yun)
- Lorreine Llupar
- Feb 17, 2024
- 4 min read
Updated: Nov 24, 2024
December 20 bakasyon na namin, so pupunta kami ng family ko sa province namin sa cauayan. Para doon na din mag ki-christmass at mag babagong taon.
Pero mas nauna sila ni mama umuwi doon sadyang nagpahuli lang talaga kami ni candy, may inasikaso pa kasi ako sa school namin.
“Oyy yung jowa mo ba ‘dimo isasama?” biglang tanong nya sakin, nangunot naman agad ang noo ko sa sinabi nya
“H-ha?, anong jowa?” takang tanong ko
“Si kean, hindi mo ba jowa yun? E palagi nga dito sa bahay yun” aniya
Tulad nga ng sabi ko noon magka partner kami ni kean sa lahat ng activity sa school, kaya minsan pumupunta nadin sya sa bahay para sa activity namin, hanggang activity lang yun wag nyo ng lagyan ng kulay.
“Ate naman, hindi ko naman jowa yun e” angal ko
-----------------------------------------------------------------------------------
Pag dating namin sa bahay ng lola ko sa cauayan dumeretso agad ako sa kwarto ko.
Sa sobrang pagod nakatulog agad ako.
Pagkagising ko madilim na sa labas. so, bumangon ako at lumabas dahil nakaramdam na ako ng gutom.
Pababa na ako ng tinawag ako ni papa
“oh ‘nak kain na” yaya nya sakin tumango nalang din ako
Huling hakbang ko na pababa ng may napansin akong pamilyar na babae sa hapagkainan at ngumiti sakin.
“Eto naba si chichay lisa?,anlaki na ng inaanak ko ah. parang kailan lang tumatakbo lang to sa bakuran nyo ng walang saplot, ngayon dalaga na” mahabang sabi nya tsaka ngumiti sakin, nginitian ko na din baka sabihing maldita ako.
Chichay ang palayaw ko pag nasa province ako, yung tito ko kasi nagpangalan nyan ewan ko ba bat ganun binigay na palayaw pede naman kyutie diba bat chichay pa duhh.
“Ay oo Carol, mana sa nanay diba?” sabi ni mama kay tita carol na di ko pa din alam kung ano ba siya namin.
“Ikaw talaga lisa, syempre kanino pa ba magmamana yan?” aniya ni tita Carol at tumawa silang tatlo.
-----------------------------------------------------------------------------------
“Eli! Eli! Bilis maligo na tayo doon, angganda ng tubig” yaya ni candy sakin
“Mamaya na ako, maligo kana doon” pangtataboy ko sa kanya
Andito kami ngayon sa tabing dagat angganda ng tanawin dito, eto yung lugar na paborito ko everytime na malungkot ako. Dito ako pumupunta para kumalma.
Malapit lang kasi sa bahay ng lola ko yung dagat dito kaya pag hapon pumupunta kami ni candy dito para magpahangin oh para mag lakad lakad lang.
Lalo na yung sunset, inaabangan namin yun ang ganda kasi tignan.
Nagsusulat ako sa buhangin ng sa ‘di inaasahan naagaw ng isang pamilyar na lalaki ang atensyon ko sa di kalayuan.
Nakaupo din sya at nagsusulat sa buhangin.
Hindi sya klaro sakin, dahil siguro mejo malabo nadin mata ko pag malayo.
Pero hanep pag pagkain ang linaw linaw tss
bat ba pagkain yun e.
“Oyy di kaba talaga maliligo? anlamig kaya ng tubig sarap lumangoy” pagpupumilit ni candy
Ayun na kasi sya basang basa na, pero tinatamad pa akong lumangoy ngayon siguro bukas nalang babalik din naman kami dito bukas e.
“Ayoko bukas nalang ako”
“kj naman neto bahala ka nga dyan”
“oyy candy maglalakad lakad lang ako ah” paalam ko at tumango lang sya at tinalikuran ako atitod talaga e.
-----------------------------------------------------------------------------------
‘bayan bat andaming putik dito nadumihan tuloy paa ko, ayoko pa naman pumunta dun sa dagat para mag hugas anlagkit kasi pag yung tubig dagat gagamitin kong panghugas e, e wala din namang malapit na gripo o poso dito. tsss.
Kumuha ako ng isang stick ng kahoy at umupo doon sa isang malaking bato para kunin ang mga natitirang putik sa tsinelas ko.
Ang huling putik na inalis ko ayun tumalsik na sa kung saan.
“Yan wala ng putik” masayang sabi ko sabay tingin doon sa tsinelas ko
Tatayo na sana ako ng may biglang tumikhim at pumwesto sa harapan ko. “ugh shit sparkling sweat abs” sabi ng utak ko sabay kagat ko sa labi ko shit shit ambastos ng utak ko.
Pinagmasdan ko yung nasa harapan ko naka short lang syang itim tas walang damit pang itaas halatang maliligo sa dagat, tapos natigil yung tingin ko doon sa dibdib nyang may putik bigla kong naalala yung putik na tumalsik kanina.
Shitt sa kanya ba tumama yung tumalsik na putik kanina? Ohh baka hindi naman, sadyang papansin lang siguro sya sakin
Inayos ko muna yung sarili ko bago tumayo
“ahm excuse me dadaan ako” taas noong sabi ko nakaharang pa din kasi sya
Ano ba to di manlang sumasagot hello? kuya? bingi kaba o sadyang ‘dimo lang kinaya yung ganda ko?.
Author: ang hangin shit lakas
Shh nukaba author mana to sayo
“Hindi kaman lang ba mag sosorry sa ginawa mo sakin?” biglang tanong netong gwapong mukang masungit na lalaking nasa harapan ko.
“e bat naman ako magsosorry? Anu ba ginawa ko sayo?” taas kilay kung tanong
Nagulat ako sa biglang paglapit ng muka nya sakin sabay turo doon sa dibdib nyang may putik
“ehh?”
“Anong ehh? Kasalanan mo to bat lumipad tong putik nato sa dibdib ko” ratatat nya
“wee” pang aasar ko, putik ko ba talaga yun? Oh baka naman putik lang ng iba yun
“oyy carl ‘lika na simula na ang laro” biglang sigaw ng mga tao doon sa likod ko at yun naman ang biglang sagot ng lalaki sa harapan ko
“sige susunod ako” sabi nya tsaka tumingin sakin “mag sorry kana”
“bat naman ako mag sosorry?” at bigla naman syang pumikit tila pinapakalma ang sarili sa inis
“arghh bahala ka nga” huling sabi nya tsaka umalis na
Argh atitod ka panggagaya ko sa boses nya bahala ka din nyenye
next?
—
[Typo and grammar ahead]
Comments