top of page

UNEXPECTED LOVE (PART 2)

Updated: Nov 24, 2024

“Isang egg sandwich nalang po tsaka eto” sabay turo ko doon sa c2


Nasa canteen ako ngayon bumibili ng pagkain dahil vacant namin.


Hindi ko pa nakikita si calix at cara mula umaga.


Pabalik na sana ako ng room ng natapon ang drinks ko sa taong nakabangga ko. Tarantang kinuha ko naman ang panyo ko sa bag at pinunas sa kanya.


“Sorry, sorry” at bigla ko syang tiningala


Teka “ikaw?!” yes it’s him, the guy who’s trying to comfort me last night


“yeah it’s me, miss me baby?” aniya sabay kindat pa


” E bakit ka nandito?” Sabay biglang taas ng kilay ko “sinusundan mo ba ako?” biglang tanong ko


” Ohh woaahh napaka assuming mo naman, hindi ba sabi ko sayo dito din ako nag aaral” aniya sabay ngiti


“ya ya whatever.” tsaka ko sya tinalikuran.


-----------------------------------------------------------------------------------


“Ms. Eli Tuazon?”

“Ms. Eli Tuazon?”


“Hoy eli” sabay yugyog ng classmate ko sakin


“Ohh bakit anu ba yun?” tarantang tanong ko at tumingin sa teacher namin na mukang lion na sa galit, at napatayo naman ako agad.


” A-ah ma’am can you r-repeat the q-question” utal utal na sabi ko


Sa sobrang lalim ng iniisip ko diko namalayan nasa room na pala ako at naging lutang pa arrghhh.


” Nevermind. Sit down and pay attention” gigil na sabi ni Ms. Suarez


“‘Wag mo kasi akong isipin para hindi ka maging lutang” bulong ng isang pamilyar na boses.


Unti unti akong lumingon sa pinaggalingan ng bulong at sa di inaasahan nakita ko nanamn ang lalaking naka bangga ko kanina


Todo ngisi ang loko.


Teka kaklase ko to? Imbis na sagutin sya sinamaan ko nalang sya ng tingin.


“By the way class, we have new student from other school” sabay tingin ni Ms. Suarez doon sa likuran ko “Mr. Mortel can you introduce yourself to us” pagtatapos ni ms sa kanyang litanya.


Yun naman ang biglang tayo ng taong nasa likuran ko.


“Hello everyone, I’m Kean Marco Mortel.” Maikling pagpapakilala nya sa harapan at umupo na.


At bigla namang napanganga ang mga kaklase ko pati na din ang guro namin.


Tingin na parang dismayado ang lahat sa maikling pagpapakilala ni kean.


Halatang tamad aishh..


Hindi nanaman ako makapag focus sa klase dahil yung lintik na dalawang yun nakita ko nanaman sa labas ng bintana na naglalampungan.


Nakipag hiwalay na ako kay calix kagabi, hindi ko naman kasi talaga gustong hiwalayan sya e kaso dala na din ng mga nangyari at masasakit na salitang binitawan nya kagabi.


Hanggang ngayon hindi ko pa din makakalimutan ang nangyari.


Hindi pa din ako makapaniwalang si calix ang nakaharap ko kagabi.


Flashback


Saktong pagbaba ko ng taxi ng nakita ko si sa calix harap ng bahay namin na nakasandal sa kotse nya na parang antok na antok na sa tindig nya.


Lumapit ako sa kanya para sana tanungin kung bakit nandito sya pero hindi ko inasahan ang sagot nya.


“Bakit ka nandito” Tanong ko ng makalapit ako sa kanya


” Sa totoo lang ayoko naman kasi talagang pumunta dito e kaso tumawag ang ate mo at hindi ka pa daw umuuwi” Walang ganang sabi nya tsaka tumingin sa akin.


” Kung saan saan ka kasi lumalandi"


"Oh anu eli may nakuha ka naba? Ha–“


Hindi ko na sya pinatapos at bigla ko syang nasampal sa inis


” Ganyan ba talaga ang tingin mo sakin calix?” mangiyak ngiyak kong sabi


” Oo hindi ba’t ganun ka naman talaga, siguro nagalaw ka nadin ng iba kaya ayaw mong magpagalaw saki–“


Sa pangalawang beses hindi ko na napigilan ang sarili kong sampalin sya


” Ang kapal ng muka mong sabihin sakin yan, hindi ba dapat ako yung magalit dahil sa nakita ko? kayo ni cara na nag s*s*x sa school”


” Wag mo ng baliktarin ang usapan eli dahil–“


” Hindi ako ang bumabaliktad sa usapan calix, tangina naman ohh kung ganito lang din naman pala kahahantungan ng lecheng relasyon na to mas mabuti ng maghiwalay nalang tayo!!”


Hindi ako makapaniwalang lumabas yun sa mismong bibig ko


” Ede hiwalay tss” simpleng sabi nya tsaka sumakay sa kotse nya at biglang humarurot



Next?

(Error and grammar ahead)

Recent Posts

See All

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page