UNEXPECTED LOVE
- Lorreine Llupar
- Feb 17, 2024
- 4 min read
Updated: Nov 24, 2024
Title: UNEXPECTED LOVE
Eli Tuazon’s world is shattered when her boyfriend and best friend’s betrayal turns her bitter. However, everything changes when an idiotic new arrival at her school begins to transform her bitterness into something unexpected – love.
Join Eli as she navigates the complexities of trust, forgiveness, and the joy of unexpected love in this poignant tale of redemption.
-----------------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------------------------
Papaakyat na sana ako ng building ng may narinig akong ungol, napahinto ako at napatingin sa pinanggagalingan ng ungol na’yon at nag lakad papunta dun, at natigilan ako sa aking nakita, ang bespren ko nasa ibabaw ng boyfriend ko. Biglang may namuong luha sa aking mga mata.
Diko nakayanan kaya tumalikod nalang ako at pumunta sa cr at doon humagulgol.
Ng natapos nako kakaiyak inayos ko muna ang sarili ko sa salamin bago lumabas, at sakto namang pagkabukas ko ng pinto muka agad ng higad kung bestfriend na si cara ang tumambad
“ohh bes, okay kalang ba? Bat namumugto mata mo? Umiyak kaba?”tanong neto na kunwari nag aalala anggaling mangplastik neto paniwalang paniwala ang tao pwess ‘di na ngayon
Ngumiti muna ako ng peke bago sumagot ” ahm okay lang ako puyat lang siguro” sasagot pa sana sya pero tuluyan na akong lumabas
Habang naglalakad sa hallway, tignan mo nga naman pag minamalas ka oh
Tsss,, isang haliparot na manloloko pa ang makakasalubong ko.
“hey babe,” Sabi nya sabay hahalik sana sya sa pisnge ko pero umiwas ako “ohh bakit may problema ba? Kanina pa kita hinahanap di ka daw pumasok sa first subject mo, totoo ba yun?”
Tssk ang plastik ampota. Imbis na sagutin sya naglakad nalang uli ako.
“oyy babe may problema ba? Sabihin mo naman oh” aniya at sumusunod pa pero diko pa din sya pinapansin bahala sya jan ang bababoy nila.
Si kean ang kilalang playboy dito sa school, kaya ‘di na ‘ko magtataka kung ba’t nya nagawa yun. Kaya ko sya sinagot dahil gusto ko ako mismo magpapabago sa kanya, pero parang wala lang din namang nangyayari.
At ang mas masakit pa dun, yung taong pinagkakatiwalaan mo yun pa ang umahas sayo.
“oyy babe, may problema ba? Bat ‘di mo ‘ko pinapansin may nagawa ba akong mali? Oyy sagot naman jan oh, meron kaba ngayon?” sabay silip nya sa muka ko at ngumiti aha alam ko na “Gusto mo bilhan kita ng fries? Milktea gusto mo? Diba favorite mo yun?”
Napatigil ako sa inis, kinalma ko muna ang sarili ko bago sya hinarap.
” Pwede ba kean, tigilan mo muna ako wala ako sa mood ngayon”
“kaya nga bibilhan kita ng fries tsaka milktea para mag ka mood ka ” sabay ngiti nya.
Hindi ba talaga nila ako napansin kanina kaya parang wala lang sa kanila ang reaction ko ngayun,
Sabagay sarap na sarap pa nga sila e.
“‘Diko kailangan yun” at tumuloy sa paglalakad
“E bakit nga? may nangyari ba? Sabihin mo kasi para alam ko”
” Bat ‘di mo tanongin sarili mo baka alam nya” at bigla nya naman hinawakan ang kamay, dahilan ng pag hinto ko
“Huwag mo’kong akong hawakan nakakadiri ka!” Banta ko sa kanya at inalis ang kamay nya sa kamay ko
At sakto naman ang pagdating ni cara
“Oyy anung nangyari sa inyu? nag aaway ba kayo?”
“isa kapang haliparot ka! Tumahimik ka ” Sabay turo ko kay cara, at tumingin kay calix“ang bababoy nyung dalawa , di na kayo nahiya!”
Matapos kong bitawan ang huling katagang yun umalis na ako, ayoko ng humaba pa ang usapan namin at baka kung anu pa’ng magawa ko kay cara.
At tuluyan na akong tumalikod sa kanila, tuloy lang ang lakad ko habang humahagulgol ako, bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko.
Hanggang sa nahinto ako sa isang park at dun tumambay saglit. Gumagabi na din at ‘unti nalang ang taong n’andun, sa diko namalayan may taong tumabi sakin pero diko na pinansin, masyadong sarado pa ang utak ko sa mga nangyari
Nang biglang…
“hey are you okay?” tanung nya
Napatingin naman ako sa kanya bago sumagot at tumango ” ahmm oo okay lang ako” tsaka ako umiwas ng tingin
“are you sure? Pwede ka namang mag kwento, if you want” aniya sabay ngiti nya
hmm magsasabi ba ako dito? Pero gusto ko ding may malabasan ng sama ng loob, masyado ng magulo ang utak ko ngayon,ang bababoy nila kelangan kong ilabas to tsssk pero pano? Arghhh bahala na nga.
Ilang minuto pa ang lumipas bago sya nag salita, ‘di kasi ako nag kwento o sinagot man lang tanong nya
“alam mo, mas mahihirapan ka pag ‘di mo nilabas yan”
Nilingon ko lang sya at umiwas ulit ng tingin sabay punas sa luha kong papatak nanaman, ayoko kasing may ibang nakakakita na umiiyak ako, ayokong maging mahina sa harap nila
At lalong ayoko’ng kinakaawaan nila.
“taga SCA ka diba ( St. Chanted academy)” Biglang tanong nya.
“Oo pano mo naman nalaman na dun ako nag aaral?” tanong ko din
“Halata kasi sa uniform mo” saka tumawa
“tss”
” tsaka do’n din ako nag aaral” dagdag nya
“tinanong ko ba?” pambabara ko sa kanya
“woaah woaah chill! ang sungit mo naman” Aniya at tinataas pa ang kamay na parang sumusuko
“wait umiiyak kaba? May nasabi ba akong hindi maganda?” Tarantang tanong nya
” Wala, wala ” tsaka ko sya inirapan
“Umalis ka nalang”
“ayokong umalis hanggat ganyan ka”
Tumawa ako ng peke “anong ganyan ba?” tsaka ako tumingin sa kanya
“hindi ka okay”
“okay ako, oo okay ako” nagsisimula nanamang uminit ang mata ko kaya umiwas nanaman ako
“hmm sige, kung ayaw mong mag kwento dito nalang muna ako” aniya saka ko naman sya nilingon at nakangiti na sya
Sasagot na sana ako ng may biglang tumawag, tinignan ko muna kung sino bago ako tumingin sa kanya, nang nakita kong si calix ang tumatawag bigla ko itong pinatay.
At doon ko napag tanto na marami na palang missed calls sa’kin si candy, by the way she’s my sister.
“kailangan ko ng umalis”
Hindi ko na inantay pa ang sagot nya at agad na akong tumalikod
Next?
—-
Comments