top of page

TOO LATE

Updated: Nov 24, 2024

TOO LATE

Aye is a ninth-grade girl, who is shy but enjoys spending time with her outgoing friends. They call themselves the “piano tiles girls” because they love playing a game together. When three boys catch their attention, Aye doesn’t find them appealing, but her friend Niana has a crush on a boy named Troy. As the school year goes on, Aye realizes she needs to overcome her shyness. With encouragement from her friends, she talks to Troy, leading to a fun chat on social media. This makes her curious about his feelings, while she quietly thinks about her own emotions and what’s happening around her. But, what do you think will happen if Troy likes Aye instead of Niana?

Well let’s find out

----------------------------------------------------------------------------------

-----------------------------------------------------------------------------------

Grade 9 na ko ngayong pasukan pero first time kong di kinakabahang pumasok kasi mag “iintroduce yourself” na naman sa harap.


Isa akong mahiyaing babae pero sobrang kalog pag mga kaibigan ko ang kasama ko. So, tatlo kaming magkakaibigan and guess what, classmates ko na naman sila HAHAHAHAHA tangina ang saya ko lang bakit ba.


So yun nga after few days medyo close na naming tatlo ang ibang kaklase namin kasi syempre paano namin di macoclose ang mga yun eh napakaingay namin.


Binansagan nila kaming “piano tiles girls” kasi nga mahilig kaming maglaro ng piano tiles tas kung sino ang unang magkamali sa pagpindot siya ang tanga HAHAHAHAHA charot. Wala lang trip lang talaga naming maglaro.


Sa aming tatlo ako yung medyo normal student lang, kasi silang dalawa madaming nagkakagusto sa kanila at madami silang kaibigan since grade 7, eh ako ngayong grade 9 lang naman naging maingay.


Tapos ayun may tatlong magtotropa, sabi nila pogi daw pero para sakin di naman. Lalo na yung payatot, eh mukha naman siyang naglalakad na palito HAAHAHAHAHAHA.


“Wow makalait aye, akala mo naman ang ganda ganda mo” sabi ng utak ko sa akin. Oh diba? sarili kong utak di ako kinakampihan, ang sarap niyang palitan, joke hehe.


Pero yung totoo talaga mga sis, cute naman talaga siya lalo na pag nakasmile kaso di ko talaga bet.


Yung isa kong kaibigan na si Niana crush na crush niya yung si Troy e susme, minsan kinikilig na lang tuloy ako HAHAHAHAHAHA epal ako e.


Si Aera naman may crush din dun sa tatlong ulupong hay nako, ayoko ng makisali sa kanila. Gusto ko ng tahimik na buhay e hehe yung tamang landi lang sa mga fictional characters ganun.


Pero gusto ko din kiligin, maghahanap na din ba ko ng magiging crush ko o hihintayin ko na lang yung lalaki na para sakin?


-----------------------------------------------------------------------------------


One month na ang nakalipas noong nagstart ang pasukan namin at dun ko na realize na kelangan ko ng kapalan ang mukha ko lalo na’t halos every subject ay may oral recitation, and yung mas malala pa, everyday yun nangyayari at tinatambakan din kami ng mga school works at homeworks.


Ngayong grade 9 na ako ay naging challenge ito sakin para maging confident at wag puro hiya ang pairalin dahil hindi ka uunlad pag yun lagi pinapairal mo.


“Hoy Niana, si Troy oh yiee” panunukso namin sa kanya ni Aera.


Jusko ang tanga kinikilig din HAHAHAHAHAHA so ayun dahil makapal na nga ang mukha ko tinawag ko si Troy.


“Troy, si Niana pala oh” tas ayun bigla siyang lumingon sa gawi namin at nagsmile.


At ako namang si gaga kinilig sa kanilang dalawa.

-----------------------------------------------------------------------------------

Andito ako ngayon sa sala, nakaupo mag isa. Ano pa ba ang maaasahan ko? eh di kami close lahat ng family ko.


So dahil bored ako, nagpost ako sa facebook.


“Sana all importante diba Niana? Charot HAHAHAHAHA”


And after a few minutes some of my classmate’s commented on my post.


Troy’s comment caught my attention. “Importante ka rin naman ah”


I don’t know why pero gusto kong magreply sa comment niya.

“Importante ka daw sa kanya Niana yiee AHAHAHAHAHA ligawan mo na Troy” reply ko sa comment niya.


After 1 minute nagreply din siya sa comment box “Baliw ka talaga HAHAHAHAHAHA”

Imbes na mainis ako eh lalo pa kong natawa kasi feel ko compliment yun eh bakit ba? charot


Nilike ko na lang ang comment niya kasi baka humaba pa at mag mukhang chatbox na.


Pero yung totoo curious talaga ako kung para kanino yung cinomment niya sa post ko.


Pero dahil isa akong supportive sa kalandian ng mga kaibigan ko, mas tinatak ko na lang sa utak ko na crush din ni Troy si Niana kaso natotorpe lang.

Galing ng utak ko noh?

HAHAHAHA

Recent Posts

See All

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page